'Parang naghahanap ng kriminal': Gamboa ukol sa COVID-19 contact tracing ng mga pulis
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Parang naghahanap ng kriminal': Gamboa ukol sa COVID-19 contact tracing ng mga pulis
Nony Basco,
ABS-CBN News
Published Jul 15, 2020 06:50 PM PHT

ILOILO CITY - Inamin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa nitong Miyerkoles na napag-usapan sa Inter-Agency Task Force (IATF) na gagamitin ang mga pulis sa contact tracing sa mga suspected COVID-19 cases.

Ayon kay Gamboa, ideya ng bagong talagang contact-tracing czar na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga suspected at probable COVID-19 cases gamit ang mga pulis.

“Ang purpose kasi nito, para nga naghahanap ng kriminal. At kung nahanap mo na 'yung kriminal, hahanapin mo kasi 'yung mga kakuntsaba niya. And these are the skills of the investigators of the PNP kasi sanay sila sa gano'n," ani Gamboa sa press conference sa Camp Martin Delgado sa lungsod na ito.

Naging matagumpay raw ang ganitong sistema na ipinatupad sa Baguio City. Isang retiradong pulis si Magalong.
Naging matagumpay raw ang ganitong sistema na ipinatupad sa Baguio City. Isang retiradong pulis si Magalong.
ADVERTISEMENT
Giit pa ni Gamboa, ang paghahanap sa suspected at probable COVID-19 patients ay hindi lang simpleng pagtatanong kung sino at saan sila nakatira. Kailangan daw ng mas malalim na imbestigasyon at pagtatanong para mas makakuha ng detalyadong impormasyon.

“Kasi ang sinasabi ni Mayor Magalong, when the PNP looks for the probable and suspected, or the PUIs (patients under investigation) and the PUMs (persons under monitoring), it’s not just plainly na alamin mo lang kung sino sila. That’s why it requires a cognitive interview or cognitive investigation. This goes beyond the normal procedure," ani PNP chief.

May sapat na kaalaman at training din daw ang mga pulis para sa pagsasagawa ng contact tracing, ayon kay Gamboa.

Sa darating na Huwebes at Biyernes, magsasagawa ng orientation si Magalong sa mga pulis na sakop ng Police Regional Office Calabarzon at Police Regional Office Central Visayas ukol sa ganitong sistema ng contact tracing.

May tiwala raw si Magalong sa PNP kaya’t gusto niyang mga pulis ang gagamitin sa contact tracing, dagdag ni Gamboa.

Binisita ng PNP chief ang Police Regional Office Western Visayas nitong Miyerkoles upang pangunahan ang inagurasyon ng mga proyekto ng PNP.

Pinarangalan din ni Gamboa ang mga pulis na may kontribusyon sa laban sa COVID-19.

Read More:
Regional news
Tagalog news
PNP chief Archie Gamboa COVID-19 contact tracing
PNP COVID-19 contact tracing
PNP house-to-house search
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT