Napabayaang katol, posibleng sanhi ng sunog sa Northern Samar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Napabayaang katol, posibleng sanhi ng sunog sa Northern Samar

Melanie Bingco,
ABS-CBN News
Published Jul 15, 2018 11:52 PM PHT

Tinupoy ng apoy ang isang bahay sa Barangay Narra, Catarman sa Northern Samar Sabado ng gabi.

Ayon kay inspector Joselito Manog, fire marshall ng munisipalidad ng Catarman, tumagal ng higit isang oras ang sunog sa bahay ng biktima na si Rolando Mangada.

Dagdag pa ni Manog ay nasa likod ng ilang establisiyemento ang nasabing bahay pero napigilan naman ng nagrespondeng mga bombero na kumalat pa ang apoy doon.

Posibleng napabayaang katol ang sanhi ng sunog, ani ni Manog.
Posibleng napabayaang katol ang sanhi ng sunog, ani ni Manog.
ADVERTISEMENT
Wala namang residenteng nasugatan sa sunog na nag-iwan ng tinatayang P200,000 pinsala sa ari-arian.