Batang tinuklaw ng ahas, patay

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 08:41 PM

Patay ang 11 anyos na babae matapos matuklaw ng ahas sa Santiago City, Isabela.

Kuwento ni Samuel Reyes, ama ng biktima, naliligo sa ilog ang anak na si Bea Margie nang tuklawin siya ng ahas.

Sabi ni Reyes, agad nadala ang anak sa ospital pero inabot pa umano ng ilang oras bago siya naturukan ng 'anti-venom'.

Nakaburol na ang labi ng biktima sa kanilang bahay.

Dahil naman sa insidente, iniiwasan muna ng mga kapitbahay ng biktima na magpunta sa ilog.

Karaniwan pa namang doon sila naglalaba at kumukuha ng tulya.

Hiling ng mga residente sa awtoridad, mahuli sana ang ahas para wala nang ibang mapahamak.

-- Ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.