Magkapatid na dalagita patay matapos tamaan ng kidlat sa Batangas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkapatid na dalagita patay matapos tamaan ng kidlat sa Batangas

Andrew Bernardo,
ABS-CBN News
Published Jul 14, 2020 05:31 AM PHT

Isang magkapatid na babae ang namatay matapos silang tamaan ng kidlat sa Laurel, Batangas nitong Linggo.

Ayon sa kay Maria Magsino, ina nila Kathlene, 15, at Kheycee, 13, umakyat ng bundok ang dalawang magkapatid mga alas 10 ng umaga para manguha ng buko at mangga na gagamiting sangkap sa sumang ibinebenta.

Pero inabot sila ng sama ng panahon na may kasamang kulog at kidlat kaya sumilong agad sa isang kubo.

Hindi naman akalain ng ina na si Maria na ang kidlat na naririnig nila ang magiging mitsa ng buhay ng dalawang anak.

ADVERTISEMENT
Naitakbo pa sa hospital ang dalawa pero idineklara ring dead on arrival. Kinumpirma ng doktor na tumingin sa magkapatid na tama ng kidlat ang ikinamatay nila.

Masakit para sa amang si Jason ang nangyayari lalo at doble ingat siya sa mga anak ngayong may COVID-19 pandemic

“Sobra ang pag-iingat na ginagawa ko sa aking mga anak. Unang unang ho ang mga 'yan di ko pinaalis ng bahay. Kung aalis man ho dito lang sa bundok pupunta ng bukid yun lang," aniya.

”Napakabait po ng dalawang 'yan, lalo na po sa magulang ko. Hindi po sila naghihiwalay ng aking ina kung nasan po ang aking ina nandun din po ang dalawang yan," dagdag ni Khristel, kapatid ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng Laurel Police, maaaring isa sa dahilan ang cellphone ng biktima kaya't tinamaan sila ng kidlat.

"Siguro kaya nagkaganun ay dahil sa cellphone nung isa sa kanilang anak na si Kheycee nakababata, nung pagkatama ng kidlat, nakita nila na nagcrack ang cellphone ng batang si Kheycee," ani Police Capt. Garry Abregunda, hepe ng Laurel Municipal Police Station.

Read More:
Laurel
Batangas
lightning
kidlat
patay sa kidlat
magkapatid patay
killed by lightning
sisters killed by lightning
Regional news
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT