1 sugatan sa pagtagilid ng dump truck sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 sugatan sa pagtagilid ng dump truck sa QC

1 sugatan sa pagtagilid ng dump truck sa QC

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 14, 2019 06:32 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Sugatan ang driver ng isang dump truck matapos tumagilid ang sasakyan sa Congressional Avenue, Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Nasugatan ang kamay ng driver na si Elde Inion, 32, nang mauna ang driver side sa pagtagilid sa kalsada.

Kuwento niya, bandang alas-12:30 tumagilid ang truck habang nagbabagsak ito ng buhangin na ipangtatambak sa ginagawang gasolinahan.

Nasa labas noon ang kaniyang pahinante.

ADVERTISEMENT

"Pag-angat ko ng dump para magbaba ng buhangin biglang lumambot yung dalawang gulong. Tumagilid bigla yun," aniya

Lumubog ang mga kaliwang gulong sa likuran na nakapatong noon sa lupa. Umulan noong gabi kaya naging putik ito.

Galing Montalban ang truck. Unang biyahe nito noong gabi pero 4 na buwan na ito nagbabagsak ng buhangin sa tinatayong gasolinahan.

Kinailangang akyatin ni Inion ang kabilang bintana para makalabas ng truck. Dinala siya sa pagamutan ng rumispondeng rescue team.

Tinulungan din sila ng 2 pulis na sakay ng mobile habang nagroronda.

"Dapat sa susunod pag nag-unload sila ng buhangin lalo kung gamit nila is malaking truck, dapat i-assure nila ang lahat tinatambak nila is hindi malambot ang lupa," sabi ni Police Corp. Roland Caballero.

Pagsapit ng alas-6 ng umaga, hindi pa rin naitatayo ang truck dahil hindi ito nakayanan ng mas maliliit na rumespondeng tow truck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.