ALAMIN: Mga dapat pumuntang Comelec office para sa Halalan 2022 registration | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga dapat pumuntang Comelec office para sa Halalan 2022 registration

ABS-CBN News
Published Jul 13, 2021 08:14 PM PHT

MAYNILA - Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, bumalik sa Pilipinas ang matagal ding overseas Filipino worker sa Middle East na si Joel Macayoyong, na dating overseas absentee voter.

Pero sa darating na halalan, sa Pilipinas na siya boboto kaya nagtungo siya sa Comelec para mailipat ang kaniyang voter record.

"Dito nga po ay nilagay ko 'yung aking address sa abroad na kung saan ay doon ako nakatira po, at nilagay ko rin po dito ang aking address kasi nakalagay dito 'yung kailangan ilagay dito 'yung bagong address," ani Macayoyong.

Ang transfer of voter record dahil sa mga nabagong address ay bahagi ng nagaganap na voter registration para sa halalan sa 2022.

Kasama rin dito ang reactivation ng na-deactivate nang voter record dahil bigong bumoto sa nakalipas na huling 2 halalan, o dahil sa hatol o kautusan ng ano mang korte, pati ang pagbabago ng apelyido at pagtatama ng maling spelling ng pangalan at ibang impormasyon sa voter record.

May iisang voter registration application form lang para rito. Hanapin ang uri ng registration na gagawin at punan ang mga hinihinging impormasyon.

"Ang form naman natin is 'one size fits all' eh. Iche-check mo lang ang particular transaction na kailangan mo," ani Comelec spokesperson James Jimenez.

Ang mga naglipat ng voting address ay kailangang ding magpresenta sa Comelec ng I.D. na magsasaad ng bagong address.

"Puwede kang magbigay ng proof of residence, ang tinatanggap halimbawa ng ating election officer diyan yung mga billing - billing statement, o kung ikaw ay nangungupahan isang contract of lease na nasa pangalan mo," ani Jimenez.

Maaari ring magsama ng isang registered voter mula sa pinaglipatang lugar na magpapatunay na doon ito nakatira.

Si Jocelyn Culala na registered voter ay kinailangan muling iproseso ang voter registration dahil hiwalay na sa asawa.

"Basta pumila lang po ako, in-interview po ako doon, sa guard 'yung nagturo sa amin para mapadali po. Di naman po ako nahirapan, step by step po 'yung proseso," ani Culala.

Kung kailangan namang itama ang spelling ng pangalan o ibang impormasyon sa voter record ay dapat magdala ng birth certificate o ano mang kaukulang dokumento.

Dapat namang magdala ng ID ang mga re-reactivate ng kanilang voter registration.
Dapat namang magdala ng ID ang mga re-reactivate ng kanilang voter registration.
ADVERTISEMENT
Dapat ding tandaan na sa Comelec office lang maaaring pirmahan ang voter registration application form, at ilagay ang thumb prints.

Hanggang Setyembre 30 ang voter registration ayon sa Comelec, na nagsabing malayo nang ma-extend ito.

Sa tala ng Comelec, nasa higit 60 milyon ang kasalukuyang bilang ng registered voters.

Kumpiyansa silang madadagdagan pa ito ng isang milyon bago magsara ang voter registration.

— Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
voter
Comelec
Halalan 2022
first time voter
correction of entry
James Jimenez
address
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT