Killer whales namataan sa dagat sa Bohol

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 01:09 PM

Video mula kay Jervz Galido

Viral ngayon sa social media ang video ng isang netizen, kung saan namataan ang mga Orca o killer whale sa karagatang sakop ng Bohol.

Ayon kay Jervz Galido, ang kumuha ng video, namamangka sila ng kaniyang pamilya para mag-dolphin watching sa may dagat sa bayan ng Garcia Hernandez.

Pero bukod sa dolphin, nagulat umano sila Galido nang makakita sila ng mga killer whale.

Ayon kay Galido, nasa 8 hanggang 10 whale ang nakita nila na tila sumasabay pa sa kanilang bangka.

Ang killer whales ay migratory animals at posibleng dumayo ang mga ito sa dagat ng Bohol para maghanap ng makakain, ayon kay Allan Poquita, direktor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Central Visayas.

Pero ipinayo ni Poquita na kailangang mag-ingat kapag nakakita ng mga killer whale at huwag umanong gambalain ang mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.