TINGNAN: Mga pasyente sa ospital, naglabasan matapos ang lindol

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 09:46 AM

Nagsilabasan ang mga pasyente ng isang ospital matapos maramdaman ang pagyanig sa bayan ng Madrid sa Surigao del Sur, Sabado ng madaling araw.

Pansamantalang sa labas ng Madrid District Hospital sa Surigao del Sur nanatili ang mga pasyente matapos ang lindol.

Ilan ring mga kagamitan sa loob ng ospital ang natumba.

Dumating din sa ospital ang isang babae na duguan ang ulo. Siya ang napuruhan matapos na saluhin ang TV na sana ay babagsak sa kaniyang apo.

Ayon sa Phivolcs, alas-4:42 ng madaling araw tumama ang 5.5 magnitude na lindol na may lalim na 5 kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Carrascal sa Surigao del Sur.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Carrascal at Butuan City sa Agusan del Norte. Intensity 4 naman sa Surigao City sa Surigao del Norte; Tandag City sa Surigao del Sur; Gingoog City at Magsaysay sa Misamis Oriental; at Talacogon sa Agusan del Sur.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.