ALAMIN: Mga puwede, bawal gawin sa bagong P1,000 bill | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga puwede, bawal gawin sa bagong P1,000 bill

ALAMIN: Mga puwede, bawal gawin sa bagong P1,000 bill

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard

Bangko Sentral ng Pilipinas 
Bangko Sentral ng Pilipinas

Malinaw na para sa restaurant and bakeshop manager na si Mark Monte ang panuntunan para sa pagtanggap ng bagong ₱1000-bill sa kanilang store.

Mag-iisang linggo na silang hindi tumatanggap ng nakatuping P1,000 sa takot na hindi ito tanggapin ng bangko o ng ibang establisyimento.

"Ngayon mas malinaw na na puwedeng tumanggap ng nakatuping papel pero hindi puwede 'yung mga punit o may marka ng staple wires," dagdag ni Monte.

Samantala, ang ilang tindera sa Kamuning Market alangan sa pagtanggap ng bagong P1,000 bill.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Rina Fajardo, tindera ng isda, mahirap na hindi malukot at madumihan ang pera sa palengke.

"Kasi po bawal siyang gusutin! 'Yung luma puwedeng tupiin o magusot. Mababasa rin po dito sa tindahan ng isda kasi tubig 'yan at may yelo."

Nitong Hulyo 11, naglabas ng opisyal na pahayag ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa bagong polymer bills.

"The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) informs the public that folded banknotes, whether paper or polymer, can still be circulated and accepted for payment. As such, retailers and banks should accept them for day-to-day payment transactions," sabi sa pahayag ng BSP.

Nilinaw rin ng BSP na maaari pa ring ilagay sa bi-fold o natutuping wallet ang mga bagong pera. Kinakailangan lamang itong panatilihing malinis at walang sira.

"Recently, the BSP issued guidelines on the proper handling of polymer banknotes. This includes storing banknotes in wallets where they fit properly (the typical bi fold wallet fits this criteria), keeping them clean, and using them as payment for goods and services."

Ang pagbibigay guidelines sa tamang paghawak ng pera, polymer man o papel, ay para sa pagpapanatili ng integridad at kalidad ng mga ito.

"The BSP stresses that the above guidelines apply to both paper and polymer banknote. The handling guidelines were issued to raise public awareness on the proper use of polymer and paper banknotes to safeguard their integrity and prolong their lifespan."

Sa proper handling guidelines na ilinabas ng BSP, kailangan itong panatilihing lapat, malinis at bawal ibenta sa mas mataas na halaga.

Hindi rin ito maaaring sulatan, magusot nang sobra hangga't magkaroon ng permanenteng fold marks o tupi.

Bawal ding punitin, gupitin at butasan, at hindi rin pwedeng i-stapler at i-goma.

Pinagbabawal din itong sunugin, plantsahin at lagyan ng kemikal.

Sa mga hindi sinasadyang nasira at namantsahan ang bagong isang libong piso, puwede itong ipapalit sa banko at BSP.

Target ng BSP na makapag-imprenta ng 500 million polymer notes hanggang sa 2023. Mas mura ang printing cost nito kumpara sa lumang P1,000.

Waterproof at hindi rin umano ito madaling mapunit.

Nitong Abril, 10 million na 1000-peso polymer bills ang inilabas sa sirkulasyon.

Paalala ng BSP, kahit anong materyal gawa ang pera, dapat itong pangalagaan.

Sa bisa ng Presidential Decree No. 247 maaaring magmulta ng hindi lalampas sa P20,000 at makulong ng hindi hihigit sa limang taon ang sinumang sadyang sirain, sunugin at dungisan ang pera ng bansa, papel man o barya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.