2 'fixer' na nag-aalok ng PRC ID arestado sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 'fixer' na nag-aalok ng PRC ID arestado sa Maynila

ABS-CBN News
Published Jul 12, 2021 04:52 PM PHT

Dalawang lalaki ang inaresto nitong umaga ng Lunes sa Maynila dahil sa pag-aalok ng mabilis na paglabas ng mga ID mula sa Professional Regulation Commission (PRC) kapalit ng pera.

Sa tapat mismo ng tanggapan ng PRC sa Morayta, Maynila hinuli ng mga pulis at tauhan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang 2 suspek.

Nangangako umano ang mga suspek sa kanilang mga biktima ng mabilisang pag-release ng PRC ID sa halagang P1,700.

Bago ang operasyon, isang asset ang pinadala ng ARTA para magpanggap na kostumer, kaya natukoy ang gawain ng 2 suspek.

Inaalam pa ng ARTA kung lehitimo ang mga ID kaya patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa PRC.

"May mga nagpapatalon dito ng mga ID e. Icoconfirm natin kung authentic ito. Kasi kung authentic ito kailangan patuloy ang ugnayan natin sa loob," ani ARTA Director General Jeremiah Belgica.

Inaalam din kung may kasabwat pa ang 2 naaresto, na mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business Act.

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
arrest
fixer
PRC ID
Professional Regulation Commission
Anti-Red Tape Authority
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT