ALAMIN: Parusa sa magulang na di magbibigay ng sustento sa anak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Parusa sa magulang na di magbibigay ng sustento sa anak

ALAMIN: Parusa sa magulang na di magbibigay ng sustento sa anak

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Suliranin ng ilang solo parent ang paghingi ng sustento mula sa dating asawa o kinakasama para sa kanilang anak.

Maituturing na kasong kriminal ang hindi pagbibigay ng suportang pinansiyal sa anak lalo't mabigat ang mag-isang pangangalaga sa anak, ayon sa abogadong si Noel Del Prado sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

Sakop dito ang mga biological father ng isang bata, kasal man o hindi.

Paliwanag ng abogado, paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act ang hindi pagbibigay ng sustento sa pamilya, partikular na sa anak.

ADVERTISEMENT

"Economic abuse [ito], ibig sabihin isa itong uri ng pang-aabuso sa aspetong pinansiyal," ani Del Prado sa "Usapang de Campanilla" sa DZMM.

Ayon kay Del Prado, may mga pamantayang maaaring sundan para matukoy kung maaari bang kasuhan ng solo parent ang hindi pagbibigay ng sustento ng asawa.

Pero ayon sa abogado, mas pabor sa batas ang pagpoprotekta sa mga solo mothers na hindi binibigyan ng sustento ng padre de pamilya.

Prision correcional o pagkakakulong na 6 buwan hanggang 6 na taon at multang P100,000 hanggang P300,000 ang maaaring ipataw sa mga ama na mapapatunayang hindi magbibigay ng sustento sa anak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.