Panloloob sa bahay sa Aklan, sapul sa CCTV; suspek arestado na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panloloob sa bahay sa Aklan, sapul sa CCTV; suspek arestado na

Panloloob sa bahay sa Aklan, sapul sa CCTV; suspek arestado na

ABS-CBN News

Clipboard

Sapul sa CCTV ang panloloob ng isang lalaki sa isang bahay sa Barangay Nagustan sa bayan ng Nabas sa Aklan, Sabado ng gabi.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang lalaking naka-shorts at walang pang-itaas na damit na bumaba mula sa hagdan ng bahay.

Pagbaba nito sa ground floor ay nag-ikot ito na tila may hinahanap hanggang sa makita ng may-ari ng bahay sa kaniyang monitor ang lalaki.

Bumaba ang babaeng may-ari ng bahay na may hawak na baril at nang mapansin ng magnanakaw na pababa na ang may-ari ay nagtago ito hanggang sa nag-agawan ang dalawa sa baril.

ADVERTISEMENT

Bumaba rin ang anak na babae ng biktima at hinampas ang lalaki pero wala itong nagawa dahil sa malakas at malaki ang salarin.

Nagawang makuha ng salarin ang baril ng biktima at kumaripas ito ng takbo pabalik sa itaas ng bahay at tumakas habang mabilis din na lumabas sa kanilang bahay ang mga biktima para humingi ng tulong.

Sa imbestigasyon ng Nabas Police, dumaan sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay ang magnanakaw.

Naaresto naman ng pulisya sa isang follow-up operation ang 19-anyos na suspek.

Nakuha sa kaniya ang baril na inagaw niya sa may-ari ng bahay.

Nasa kustodiya na ng pulis ang suspek na sasampahan ng kasong robbery at frustrated homicide.

- ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.