'Naka-duct tape, tinalian ng alambre': 6-anyos, 3 iba pa natagpuang patay sa Misamis Oriental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

'Naka-duct tape, tinalian ng alambre': 6-anyos, 3 iba pa natagpuang patay sa Misamis Oriental

'Naka-duct tape, tinalian ng alambre': 6-anyos, 3 iba pa natagpuang patay sa Misamis Oriental

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 11, 2022 09:34 PM PHT

Clipboard

MANILA — Natagpuang patay ang 4 na lalaki na puno ng tama ng bala ng baril sa katawan sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental noong Sabado ng gabi.

Kabilang sa mga biktima ang isang 6-anyos na bata at isang 15-anyos na binatilyo.

Pawang naka-duct tape ang mga bibig ng mga biktima at tinalian ng alambre ang kanilang mga kamay nang makita sila pasado alas-9 ng gabi noong Sabado sa Barangay Imelda sa naturang bayan.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Noel Bado, 30 anyos; Joyjoy Canoy, 29 or 39 anyos; Marc Rounin Lacoto, 15 anyos; at Miller Lacoto, 6 anyos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa imbestigasyon ng Police Regional Office (PRO) 10, mula sa Iligan City ang mga biktima at bumiyahe sila nitong Sabado ng hapon papuntang Initao, Misamis Oriental para maningil ng utang na nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

Pagsapit ng alas-7 ng gabi, nakitang nasunog ang kanilang sinasakyang taxi sa kalapit na bayan ng Naawan, Misamis Oriental.

Pagkalipas ng 2 oras, natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima.

Ayon sa tagapagsalita ng PRO-10 na si Lt. Col. Michelle Olaivar, posibleng ibang sasakyan na ang nagdala sa mga biktima sa lugar kung saan natagpuan ang kanilang mga bangkay.

Nakitang may mga tama ng baril ang mga biktima sa kani-kanilang mga ulo at iba't ibang bahagi ng katawan.

Maliban sa sinasabing paniningil ng utang, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo ng krimen.

Mayroon na rin umanong mga person of interest na kinilala ang pulisya.

—Ulat ni Angelo Andrade

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.