Zamboanga Peninsula nakapagtala ng higit 7,000 kaso ng dengue | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Zamboanga Peninsula nakapagtala ng higit 7,000 kaso ng dengue

Zamboanga Peninsula nakapagtala ng higit 7,000 kaso ng dengue

Chrisel Almonia,

ABS-CBN News

Clipboard

ZAMBOANGA CITY – Umabot na sa 7,618 ang kaso ng dengue na naitala ng Department of Health 9 sa buong Zamboanga Peninsula mula Enero hanggang buwang kasalukuyan.

Pinakamaraming kasong naitala sa Zamboanga City (2,494), sumunod ang Zamboanga Sibugay (2,314), Zamboanga Del Sur (1,539), Zamboanga Del Norte (1,024) at Isabela City, Basilan (242).

Ayon kay DOH Regional Coordinator Neo Walter Folgo, 285 percent ang itinaas ng kaso ngayong taon kumpara noong 2018.

"It's been alarming, increasing siya compared to last year. But as of the moment, we are focusing on different provinces especially the cities with the highest number of cases," sabi ni Folgo.

ADVERTISEMENT

Umabot na rin sa 42 ang namatay dahil sa sakit na dengue kung saan karamihan galing sa Zamboanga City at ang edad ay nasa 11-taong gulang pababa.

"As of the moment Zamboanga City registered the highest number of cases. Unang-una, ang number of population and this is an urban setting,” dagdag ni Folgo.

Paalala naman DOH-9 na para maiwasan ang dengue, palaganapin ang 4S strategy o search and destroy, self-protection measures, seek early consultation, at say no to indiscriminate fogging.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.