Pila ng mga pasyente sa ER ng PGH umapaw sa labas ng ospital | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Pila ng mga pasyente sa ER ng PGH umapaw sa labas ng ospital

Pila ng mga pasyente sa ER ng PGH umapaw sa labas ng ospital

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dahil sa pagdagsa ng mga pasyente sa Philippine General Hospital sa Maynila, umabot na hanggang sa labas o pasilyo ng ospital ang mga pasyente na nais magpagamot sa kanilang makeshift emergency room.

Patuloy pa kasi ang renovation ng kanilang main emergency room magmula pa noong Hunyo 2018.

Ayon sa pamunuan ng ospital, inaabot ng halos 200 katao ang laman ng kanilang makeshift emergency room na dapat ay para sa 25 hanggang 35 pasyente lamang.

Makikita sa bungad pa lang ng ER ang dami ng pasyente na may iba’t ibang karamdaman.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PGH, matagal na nang huling makaranas ng malakihang renovation ang kanilang emergency room kaya importanteng matapos ang pagsasaayos nito.

Ipinapayo ni Dr. Jubert Benedicto, spokesman ng PGH na maghanap na muna ng ibang ospital habang hindi pa natatapos ang renovation ng kanilang emergency room.

"Humihingi po kami ng pag-unawa at paumanhin sa kasalukuyang sitwasyon at kung maaari po muna ay sumangguni muna sa ibang ospital. So ang gusto lang naman iparating sa mga pasyente magpa-extend po kami ng patience, pag-unawa," ani Benedicto.

Inaasahan na sa Pebrero 2020 matatapos ang renovation ng kanilang emergency room. -- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.