Negosyante patay matapos magpa-lipo sa Makati | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Negosyante patay matapos magpa-lipo sa Makati

Negosyante patay matapos magpa-lipo sa Makati

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 10, 2019 08:14 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Patay ang isang babaeng negosyante noong Lunes matapos sumailalim sa liposuction procedure o ang pagsipsip sa taba gamit ang isang makina.

Ayon sa ulat ng pulisya, negosyante sa Negros Occidental si Nory Bobadilla, 43, at dumayo pa sa isang clinic sa Makati City noong Hulyo 3 para sa naturang operasyong pampapayat.

Pero habang nasa gitna ng lipo procedure, tumigil umano sa paghinga ang biktima.

Isinugod agad sa Parañaque Doctor's Hospital si Bobadilla kung saan siya na-comatose hanggang sa bawian na ng buhay noong Lunes.

ADVERTISEMENT

Ayon sa anak ni Bobadilla, hindi nagsabi ang kaniyang ina na magpapa-liposuction ito nang magpunta sa Maynila.

Gusto rin niyang malaman kung sinunod ng clinic ang lahat ng panuntunan bago isagawa ang liposuction procedure, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila kinakausap ng clinic.

"Ang focus ng investigation is kung may lapses na nangyari sa procedures," sabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police.

Pinag-aaralan na ngayon kung maaaring kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide at medical malpractice ang mga doktor na nagsagawa ng liposuction procedure kay Bobadilla.

Napag-alaman din na paso na ang business permit ng naturang cosmetic clinic na tumanggi munang magbigay ng pahayag habang wala pang naisasampang kaso laban sa kanila.

—Ulat nina Raffy Santos at Dexter Ganibe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.