Mga riles para sa MRT-3 rehab project, dumating na sa Pinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga riles para sa MRT-3 rehab project, dumating na sa Pinas

ABS-CBN News
Published Jul 10, 2019 06:59 AM PHT

EXCLUSIVE: Dumating na sa bansa ang mga riles na gagamitin ng DOTr sa MRT-3 Rehabilitation Project. Mula pa sa Japan ang kargamento na dumaong sa Harbour Centre Port Terminal Inc. sa Maynila. pic.twitter.com/pgR6KCBBrY
— Lady Vicencio (@lady_vicencio) July 9, 2019

MAYNILA—Dumaong na sa Harbour Centre Port Terminal Inc. ang cargo vessel mula Japan na naglalaman ng mga riles para sa MRT-3 rehabilitation project.

Dumating ito alas-5:30 Martes ng hapon sa Maynila. Karga nito ang 4,053 rails na may 18 meters ang haba kada riles.

Binantayan din ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdating ng kargamento.

Ayon sa pamunuan ng Harbour Centre Port Terminal Inc., dumaan din ang kargamento sa Bureau of Customs dahil mula ito sa isang foreign vessel.

Gagamitin ang mga ito sa rehabilitasyon ng MRT-3 na balak simulan bago matapos ang taon.

Ayon sa DOTr, 100 porsiyento na ang nai-deliver na riles para sa buong linya ng MRT-3 mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station.

Sa katunayan, napaaga pa ang dating nito sa bansa mula Japan.
Pinamadali kasi ng DOTr ang Japanese provider ng mga riles para masimulan na ang rehabilitasyon ng MRT-3.

Bukod sa mga ginawang maintenance sa MRT-3 tulad ng rail grinding o pagpapakinis ng mga riles, dapat nang mapalitan ang mga lumang riles na ginawa pa noong 1980s.

Makatutulong ito, ayon sa DOTr, na maiwasan ang aberya sa mga tren.
Makatutulong ito, ayon sa DOTr, na maiwasan ang aberya sa mga tren.
ADVERTISEMENT
Para maibaba ang lahat ng riles mula sa vessel, 2 hanggang 3 araw ang gugugulin depende sa lagay ng panahon.

Matitigil kasi ang operasyon kung umulan para maiwasang kalawangin ang riles at para na rin sa kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa port.

Dadalhin ang mga riles sa laydown yard ng DOTr sa Parañaque.

Kasama rin sa planong rehabilitasyon ng MRT-3 ang pag-overhaul sa 72 bagon. Paparating din sa bansa ang stocks na mga aircon para rito.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News