Batang umakyat sa puno sa eskuwelahan patay matapos mahulog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang umakyat sa puno sa eskuwelahan patay matapos mahulog

ABS-CBN News
Published Jul 10, 2019 01:43 PM PHT
|
Updated Jul 10, 2019 02:50 PM PHT

PAMPLONA, Camarines Sur — Inihahanda na ni Lorna Imperial ang mga librong pang-eskuwela para isauli sa San Ramon Elementary School.

Hindi na kasi ito magagamit ng 9-taon gulang niyang anak na grade 5 sana ngayon dahil nitong Biyernes ay nahulog ito sa puno ng duhat sa loob ng eskwelahan.

Dalawang araw nasa ICU ng Bicol Medical Center ang batang si John Lloyd bago binawian ng buhay.

Kuwento ng trabahador ng paaralan na si Jelson Albino, sinaway niya pa ang 3 bata na nakita niyang umaakyat sa 27 talampakang puno ng duhat pero hindi umano siya pinakinggan.

"Bigla na lang nabali 'yung sanga. Pagtingin ko, 'yung bata, nandito na, nakadapa na siya. Bigla ako tumakbo tapos binuhat ko, pinatihaya, tapos inano ko 'yung dibdib. Lumabas na yung dugo niya sa ilong, sa bibig, tapos dito [sa noo]," sabi ni Albino.

Dahil sa pangyayari, inirekomenda ng mga magulang at guro na putulin na ang mga sanga ng puno.

Wala namang sinisisi ang pamilya Imperial sa nangyari.
Pero doble umano ang lungkot nila ngayon lalo't magdiriwang na sana ng ika-10 kaarawan si John Lloyd ngayong Miyerkoles.

—Ulat ni Mae Pulvinar, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT