Bahagi ng Gov. Bado Dangwa road sa Benguet, gumuho | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng Gov. Bado Dangwa road sa Benguet, gumuho

Justin Aguilar,
ABS-CBN News
Published Jul 10, 2019 02:52 AM PHT

Sarado mula nitong Martes ang Gov. Bado Dangwa national road sa bahagi ng bayan ng Bakun, Benguet dahil sa pagguho ng lupa.

Bandang alas-3 ng madaling araw nang gumuho ang lupa na bahagi ng kalsada. Lumambot umano ito dahil sa madalas na pag-ulan sa lugar tuwing hapon.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMO) ng Bakun, agad silang rumesponde sa lugar at agad ding isinara ang kalsada. Wala namang nasugatan sa insidente.

Nagsagawa rin agad ng inspeksyon ang Department of Public Works and Highways Benguet Second District Engineering Office kasama ang lokal na pamahalaan sa lugar kung saan nagkaroon ng road slip.

Nag-umpisa na umano silang mag-backfill para maremedyuhan ang gumuhong parte ng kalsada.

"Ang expected time na nilagay namin sa report namin is hopefully sa July 11, sa hapon po [mabubuksan ulit ang kalsada]. Kasi ang remedial measure na gagawin namin ay ida-downgrade at iba-backfill para at least man lang 1 way ay passable," ani Engr. Eduardo Galanza, assistant district engineer ng DPWH Benguet 2nd district.

Plano na rin umano ni Mayor Bill Raymundo na gumawa ng resolusyon para humingi sa gobyerno ng pondo para sa kalsada. Nauna na umanong nagkaroon ng tipak ang kalsada matapos ang nagdaang bagyong Lawin noong 2016.

Sa ngayon, pinapayuhan nila ang mga motorista na magdoble ingat at gamitin na lamang munang alternate route ang Tonguey Madaymen Road o Palina Acop section ng Gov. Bado Dangwa.

Dating kilala sa tawag na Acop-Kibungan-Bakun Road ang Gov. Bado Dangwa access road para sa mga munisipyo ng Tublay, Kapangan, Kibungan at Bakun.