Trak ng kumpanya ng saging, sinunog sa Davao City

Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 08:46 PM

DAVAO CITY—Sinunog ng mga hindi pa kilalang armadong tao ang isang hauler truck na pagmamay-ari ng isang kumpanya ng saging Lunes ng gabi sa Barangay Talandang sa lungsod na ito.

Pagmamay-ari ng Dole Philippines Stanfilco ang trak na kagagaling lamang sa pag-aani ng saging.

"Pinababa ang driver at sabi hindi ka kasali rito, at saka tinanggalan ng hangin ang mga gulong at sinunog ang truck," ayon sa hepe ng Tugbok Police na si Chief Inspector Paulino Zaulda Jr.

Dagdag pa ni Zaulda, nakatakip ang mukha ng mga salarin kaya hindi nakilala ng drayber.

Sa ngayon ay wala pang matukoy na grupo ang awtoridad at inaalam pa ang motibo sa likod ng panununog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.