Tambak ng basura, umabot na sa gilid ng daan sa Iligan | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Tambak ng basura, umabot na sa gilid ng daan sa Iligan

Roxanne Arevalo,
ABS-CBN News
Published Jul 10, 2018 06:48 PM PHT
|
Updated Jul 10, 2018 08:18 PM PHT
ILIGAN CITY - Umabot na ang tambak ng basura sa gilid ng C3 Road sa Barangay Tubod Martes dahil hindi umano ito maayos na nakokolekta at nase-segregate ng mga dating namumuno sa barangay.

Ang mga basura na naitambak sa gilid ng daan ay naitapon na bago pa makapaghalal ng bagong punong barangay ang mga residente ng lugar, sabi ni Carlito Ong, taga-pamahala ng Materials Recovery Facility ng Barangay Tubod.

Pinagtulong-tulungan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ang pagliligpit ng mga basura bago pa tuluyang maharangan ang daan.

Binalaan naman ng City Environment and Management Office na kakasuhan ang mga opisyal ng mga barangay Tubod, Suarez, Pala-o at Buruun kung hindi maisasaayos ang pagliligpit ng mga basura.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT