Pamumutol sa 271 puno ng acacia sa Negros Occidental pinaiimbestigahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamumutol sa 271 puno ng acacia sa Negros Occidental pinaiimbestigahan

Marty Go,
ABS-CBN News
Published Jul 10, 2018 08:35 PM PHT

BAGO CITY - Pinaiimbestigahan ng City Environment and Natural Resources Office ng lungsod ang pamumutol ng mga puno ng acacia sa kahabaan ng Abuanan Road sa Barangay Tabunan dito sa lungsod.

Aabot sa 271 puno ng acacia na itinanim ng alkalde ng Bago City at ng ilang Japanese nationals 31 taon na ang nakakaraan ang pinutol para luwagan ang mga kalsada sa lungsod, sabi ni Thelma Watanabe, isa sa mga pumirma ng petisyon upang ipatigil ang pamumutol sa mga puno.

Dagdag ni Joan Nathaniel Gerangaya, Bago Community Environment and Natural Resources Officer, wala umanong permit upang magputol ng puno ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kontraktor na may kinalaman sa proyekto.

Sisimulan ang imbestigasyon matapos manawagan sa Department of Environment and Natural Resources ang halos 4,000 na residente laban sa pagpuputol ng mga puno para sa road widening project ng DPWH sa lungsod.

Ipapatawag sa mga darating na pagdinig ang mga kawani ng DPWH at ang mga kontraktor na may kinalaman sa naturang proyekto.