Bangkay ng 2 batang nawala sa paglubog ng bangka sa Lake Buhi, natagpuan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng 2 batang nawala sa paglubog ng bangka sa Lake Buhi, natagpuan na

Rizza Mostar,
ABS-CBN News
Published Jul 10, 2018 04:43 PM PHT

BUHI, Camarines Sur - Natagpuan na ang mga bangkay ng dalawang batang unang naiulat na nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang maliit na bangka sa lawa ng bayang ito, Linggo ng gabi.

Bandang alas-7 ng umaga Martes nang nakuhang nakasabit sa fish net ang 12-anyos na si Joshua Bejerano.

Malayo-layo naman sa kinaroroonan ni Bejerano nakita ang bangkay ng pinsang si Jonas Menorca, 6-taong gulang.

Ayon sa mga pulis, hinihintay pa ng kaanak ang pagdating ng mga ina ng mga bata na nagtatrabaho bilang overseas Filipino workers sa Middle East. Humihingi rin sila ng tulong upang mas mapabilis ang pag-uwi nila.

Bukod sa dalawang bata, tatlong iba pa, kabilang ang isang 3-taong gulang, ang nasawi sa paglubog ng bangka.

Kabilang ang mga nasawi sa 12 pasahero na pauwi na sana sa sentro ng bayan nang pasukin ng tubig at mabilis na lumubog ang bangka.

Ayon sa pulisya, posibleng lumubog ang bangka dahil walo lamang ang kapasidad nito.