'Binaril para patayin': Autopsy sa mga napaslang sa 'Bloody Sunday' idinetalye | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Binaril para patayin': Autopsy sa mga napaslang sa 'Bloody Sunday' idinetalye

Mike Navallo,
ABS-CBN News
Published Jul 09, 2021 09:14 PM PHT

MAYNILA — Apat na buwan matapos ang tinaguriang "Bloody Sunday" killings kung saan 9 aktibista ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon sa Southern Tagalog, inilabas na ng isang forensic pathologist ang resulta ng kanyang pagsusuri sa mga bangkay.

Nilapitan ng mga kaanak ang kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun para muling ipasuri kung ano ang ikinamatay ng 9.

Ayon kasi sa mga awtoridad, lahat sila ay nanlaban sa operasyon.

Aminado si Fortun na may kahirapan ang pagsusuri dahil naembalsamo na ang karamihan sa mga bangkay, pero may nakikita siyang pagkakapareho sa mga tama ng bala sa mga napatay.

"One common factor among all the nine is that they received at least 2 gunshot wounds on the chest, aside from other areas that were also hit by gunfire... The common pattern is they were, as I said earlier already, apparently shot to be killed," sabi ni Fortun.

"If you aim for the chest, that’s going to kill you and that’s what happened," dagdag niya.

Ayon kay Fortun, kung ang pakay lang ay pigilan ang isang suspek na makatakas, dapat may sapat na training ang awtoridad para hindi mauwi sa pagpatay ang mga pag-aresto.

"In the first place, if you're state agents, you're the police, you're the military, are you not trained to react to this adverse situations and so on, such that you are able to protect yourself and also come up with an arrest, a real arrest of a living individual, not with a dead body?" pagtataka ni Fortun.

Isa sa mga nakatawag ng pansin kay Fortun ay ang mga sugat sa daliri ni Chai Lemita-Evangelista, ang tanging babaeng napatay.

Ayon sa pulis, nanlaban si Evangelista kasama ng kanyang asawang si Ariel.

Pero ang kuwento ng 10 taong gulang na anak nila sa mga kaanak, kinaladkad ang 2 papunta sa ibang bahay. Ang dalawa, idineklarang dead on arrival sa ospital.

"Where is the evidence that they were armed? Two, that they actually fired back... Where is that weapon? That weapon at the scene should have been found. And can you now connect that to the victim, meaning that's really him or hers?" sabi ni Fortun.

Tingin ni Fortun, dapat lahat ng kaso kung saan may napapatay sa police operation ay may homicide investigation para malaman kung totoo nga bang nanlaban sila.

Tanggap ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga kritisismo sa police operations.
Tanggap ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga kritisismo sa police operations.
ADVERTISEMENT
"These are opinion nu'ng mga expert natin but in the final analysis, it is the court who will decide... Kaya nga sinasabi natin, kung may nakita kayong lapses, fine, imbestigahan natin para managot 'yung mga dapat managot," sabi ni Eleazar.

Isinama na ng Department of Justice ang Bloody Sunday killings sa imbestigasyon ng AO 35 Task Force on Extrajudicial Killings.

Pero reklamo ng kaanak ng mga napatay, isang lugar pa lang ang napupuntahan para mag-crime scene ocular inspection.

Paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, may kahirapang marating ang mga lugar na pinangyarihan pero pagtitiyak niya, prayoridad pa rin ang imbestigasyon dito.

"Certainly I want to expedite the conduct of the investigation. Previously, I was informed about the extreme difficulty of accessing the place of the incidents. Be that as it may, the Calabarzon incidents remain high in the priorities of the AO 35 committee," ani Guevarra.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
Bloody Sunday
red tagging
krimen
crime
communism
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT