Safety protocols inilatag sa ilang public railways para iwas COVID-19 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Safety protocols inilatag sa ilang public railways para iwas COVID-19

Safety protocols inilatag sa ilang public railways para iwas COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Naglalatag ng kani-kaniyang safety protocols ang mga pamunuan ng tren gaya ng LRT, at PNR para mapigilan ang hawahan sa kanilang mga istasyon ngayong may banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19.)

Ang LRT, piniling sa ticket vending machines na lang muna pagbayarin ang kanilang mga customer.

Sa passenger assistance office naman lumalapit ang mga hindi sanay sa ticket vending machines at mga may discount gaya ng senior citizens at mga estudyante.

Ang ilang kustomer, stored value card na lang ang binibili para hindi na kailangang gumamit ng vending machine.

ADVERTISEMENT

“Mas okay dito kasi dun kasi inaabutan ng pera and then aircon yung loob may possibility na yung teller ay positive yung labas ng hangin paloob delikado yun… ‘di maiwasan maging paranaoid ka pero kailangan,” ani Balce.

May dalawang nag-positibong manggagawa ng LRT-2 nitong nakaraang linggo pero wala raw itong direktang contact sa mga pasahero.

Ayon kay Hernan Cabrera, spokesperson ng LRT-2, mabuti nilang binabantayan ang kanilang mga empleyado.

“Hindi biglaan yun. Mino-monitor namin lahat ng empleyado. Konting sipon, konting ubo, hindi na namin pinapapasok at nagse-self quarantine na sila, naka-isolate na sila hindi na nila naexpose ang mga iba naming ka-opisina,” ani Cabrera.

Ang PNR naman, nagsasagawa ng contact tracing gamit ang kanilang CCTV. Isa naman sa kanilang empleyado ang nagpositibo sa virus.

ADVERTISEMENT

Wala namang direct contact sa mga pasahero pero pinagtatala raw lahat ng pasahero bago pumasok sa terminal.

Todo-linis din sila mula sa mga istasyon at mga tren. May hugasan din at may “no face mask, no entry” policy.

Sakaling magkaroon ng kaparehong sitwasyon sa MRT ang ibang railways, magkakaroon din sila ng mas estriktong pagpapatupad ng health and safety protocol tulad ng pagsuot ng full PPE gear. 



Samantala, umakyat na sa 203 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga empleyado ng MRT-3.

Natapos na rin ang swab test sa lahat ng empleyado ng MRT-3. Pero pag-uusapan pa kung kakayanin ang makapagbukas muli nang biyahe sa weekend ang tren nito.

ADVERTISEMENT

Kasama sa pag-uusapan kung paano kukuhanin ang detalye ng mga pasahero dahil hindi ito nagawa nang magbukas ang mga tren noong Hunyo 1.

Pinaalalahanan din ang mga naging pasahero na kumonsulta sa DOH hospitals kapag nakararanas ng sintomas.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.