Ginang na-scam ng nagpakilalang airport officer, dayuhang ka-chat; P22K natangay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ginang na-scam ng nagpakilalang airport officer, dayuhang ka-chat; P22K natangay

Ginang na-scam ng nagpakilalang airport officer, dayuhang ka-chat; P22K natangay

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Inireklamo ng isang 58 anyos na babae ang umano’y panloloko sa kaniya ng isang nagpakilalang airport officer sa Ninoy Aquino International Airport at ng dayuhang sinubukang makipagkaibigan sa kaniya.

Ayon kay alyas "Anna," residente ng Cebu, may naka-chat siyang American national sa Facebook na nais umanong bumisita sa kaniya sa probinisya.

“Consistent na nagcha-chat tapos marami naman po akong hiningi ng proof na siya 'yon kasi 'yung ibang proof, nanghihingi ako ng ID,” ani Anna sa programang “Lingkod Kapamilya” ng Teleradyo.

Isang araw, ayon kay Anna, sinabihan umano siya ng kaniyang kaibigan na lilipad siya pa-Pilipinas nang Hulyo 5 at inaasahang darating nang Hulyo 7.

ADVERTISEMENT

Ito'y kahit pa nakasara pa rin ang NAIA ngayon sa mga dayuhang turista dahil sa COVID-19 pandemic.

Noong Hulyo 7, nakatanggap ng tawag si Anna mula sa isang nagpakilalang airport officer at sinabing na-hold ang naturang dayuhan sa NAIA dahil may nakitang malaking halaga ng pera sa kaniyang bagahe.

Dahil umano rito, sabi ng umano’y airport officer na kailangang magbayad ni Anna ng pera para mapalaya ang kaniyang kaibigan.

Unang siningil ang biktima nang aabot sa P38,000 na aniya’y penalty at P6,381 na magsisilbing plane ticket ng kaibigan papuntang Cebu mula NAIA.

Pero ayon kay Anna, kulang umano ang kaniyang pera kaya ang sabi ng officer na magbayad na lang ng P15,000 para sa penalty, P6000 para sa ticket, at idagdag-pera pa para sa pagkain na ipinanghain para sa dayuhan — aabot ito sa P22,000.

ADVERTISEMENT

Ilang sandali matapos maikasa ni Anna ang money transfer mula sa isang remittance center, nakatanggap siya ng mensahe na natanggap ang payment sa isang remittance center sa Pampanga.

Sinabihan din umano siya na ipinapa-hold pa ang pagpapalaya sa kaibigan.

Dito na aniya siya kinabahan.

“Noong di ba 'yung pag may money transfer [sinasabi] kung saan niya kinlaim, [lumabas na] malayo 'yung bayan na kung saan nag-claim, napakalayo po. Pampanga po… Imagine sabi niya nasa airport siya tapos sa Pampanga na-claim ang pera,” ani Anna.

Hiniling ni Anna na makausap niya ang kaibigan, pero nang ilapit umano ng nagpakilalang airport officer ang kaniyang tawag, iba na ang boses nito.

ADVERTISEMENT

“Nag-uusap kami at 'yung taong darating sana sa amin medyo mahina ang boses tapos nagmamadali tapos kahapon po kinausap ko siya kasi medyo may pagdududa ako, parang iba parang yeah English siya [pero] iba 'yung boses niya,” ani Anna.

Nitong Huwebes, tinawagan pa aniya siya muli ng nang-scam umano sa kaniya na humihingi ng dagdag pang salapi para tuluyang makalaya ang dayuhan.

Aminado si Anna na mali na naging kampante siya dahil nang makipagkaibigan umano siya sa dayuhan ay ilang beses itong tumanggi na makipag-video chat.

Sinabi rin umano niya sa suspek na may kaibigan siyang pupunta sa airport para makausap ito nang personal at masundo na ang kabigan pero pinipigilan umano siya nito.

“Nagwawala kasi ang pera raw marami… Doon talaga ako sir [nakumbinse] na talagang naloko na ako. [Pero] sinasakyan ko pa rin,” ani Anna.

ADVERTISEMENT

MAGKAHALONG SCAM

Ayon kay Victor Lorenzo, cybercrime chief ng National Bureau of Investigation, tatlong magkakahalong scam ang nangyari sa sitwasyon ni Anna.

Ito aniya ang love scam, package scam, at friend and meet scam.

Kadalasan umano nitong tina-target ang mga single na pa-retiro nang mga gumagamit ng social media, gaya ni Anna.

“‘Yung tina-target nila retirees, age bracket tapos tinitingnan nila ang civil status, cina-capitalize 'yung longingness ng victims kaya natin tinatawag na love scam,” ani Lorenzo.

Kadalasan umanong mga foreigner ang gumagawa ng naturang scam, na magpapakilalang miyembro ng militar para makipagkaibigan sa biktima.

ADVERTISEMENT

Nanawagan si Lorenzo sa publiko na mag-ingat sa mga naturang scam.

Plano ng NBI na makipag-ugnayan kay Anna para malaman ang iba pang detalye ng kaniyang sitwasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.