Karagatan sa Southern Leyte nakaranas ng oil spill | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Karagatan sa Southern Leyte nakaranas ng oil spill

Karagatan sa Southern Leyte nakaranas ng oil spill

ABS-CBN News

Clipboard

 Oil spill sa karagatan ng San Ricardo, Southern Leyte. Larawan mula sa Coast Guard Sub-Station San Ricardo.
Oil spill sa karagatan ng San Ricardo, Southern Leyte. Larawan mula sa Coast Guard Sub-Station San Ricardo.

Nagkaroon ng oil spill sa karagatan na sakop ng Barangay Benit at Barangay Timba, San Ricardo, Southern Leyte tanghali nitong Biyernes.

Kinumpirma ito ng PNP San Ricardo at Coast Guard sub-station San Ricardo.

Sa impormasyon mula sa Coast Guard Sub-Station San Ricardo, ang oil spill ay nangyari malapit sa San Ricardo Port.

Tinatayang aabot sa 1 kilometro ng dagat ang apektado sa oil spill.

ADVERTISEMENT

Agad na nagsagawa ng inisyal na clean-up ang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng San Ricardo, mga barangay officials kasama ang mga kinatawan ng Coast Guard para makuha ang nagkalat na langis sa dagat.

Kasabay sa isinasagawang imbestigasyon, nagkuha na rin ng sample ang Coast Guard para masuri kung anong uri ng langis ang nagkalat sa dagat at para malaman na rin kung saan ito galing.

Inaalam na rin kung may mga isda o iba pang marine resources na apektado ng oil spill.

Ngayong Sabado, magpapatuloy ang ginagawang clean-up sa lugar na apektado ng oil spill

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.