Pagkilala sa mga bangkay sa C-130 crash pahirapan pero patuloy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkilala sa mga bangkay sa C-130 crash pahirapan pero patuloy

Pagkilala sa mga bangkay sa C-130 crash pahirapan pero patuloy

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nagpapatuloy ang pagsisikap na makuha ang pagkakakilanlan ng mga bangkay ng mga sundalong nasunog sa malagim na aksidente ng C-130 sa Sulu noong Linggo.

Sa loob ng 14 na oras, nakompleto ng Scene of the Crime Operatives ng Philippine National Police ang pagkuha ng DNA samples mula sa ilang sundalong kasama sa bumagsak na C-130 plane.

Sunog ang kanilang katawan at hindi na makilala.

Bukod sa DNA samples, magagamit din sa pagkilala ang mga dog tag, combat boots na may pangalan, military ID, flying suit, at iba pa.

ADVERTISEMENT

Nakatulong din ang mga tattoo at ibang body marks at mga personal na gamit na kinuhanan ng larawan at ipinadala sa mga kamag-anak para makilala ang mga bangkay.

Sa ngayon, hinihintay pa ng crime laboratory ang mga DNA samples mula sa mga kamag-anak para mai-match sa samples na nakuha mula sa mga bangkay.

Dahil dito, posible pang magtagal sa Tangan gym sa kampo ng militar ang mga labi bago maihatid sa kani-kanilang probinsiya.

Samantala, maaga pa umano para masabi kung human o mechanical error ang sanhi ng aksidente.

Sa ngayon, lahat umano ng anggulo ay tinitingnan para matukoy kung bakit nag-crash ang C-130.

Kinakausap na rin umano ng psychologists ang mga sugatang sundalo na kinakitaan ng trauma.

Gagawaran din ng Armed Forces of the Philippines ng parangal ang mga sibilyan na nanguna sa pag-rescue sa mga sundalo.

—Ulat ni Queenie Casimiro

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.