5 cobra, nakumpiska sa Arranque Market | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 cobra, nakumpiska sa Arranque Market

5 cobra, nakumpiska sa Arranque Market

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Limang cobra ang natagpuan at nakumpiska ng market administration office sa New Arranque Market sa Maynila nitong Martes.

Ayon kay MAO Director Zenaida Mapoy, nakatanggap sila ng impormasyon na iligal na nagbebenta ng ahas sa loob ng palengke.

Agad silang nagsagawa ng inspeksiyon nitong Martes. Habang nag-iikot sa palengke nakarinig ang inspektor ng tila tunog ng cobra.

Nakatago sa isang bakanteng stall sa poultry section ang limang malaking bote ng mineral water na may lamang cobra.

Delikado aniya ang cobra sa palengke na maraming mga vendor at mamimili. May ilan naman nagsabi na baka pag simulan din ito ng sakit. Wala naman naaresto sa insidente habang patuloy pa itong iniimbestigahan.

ADVERTISEMENT

Ibinigay na sa pangangalaga ng Parks Recreation Bureau sa Maynila ang nakumpiskang mga ahas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.