Pamilya ng mga nasawi sa C-130 crash nagdadalamhati, may pakiusap | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamilya ng mga nasawi sa C-130 crash nagdadalamhati, may pakiusap

Pamilya ng mga nasawi sa C-130 crash nagdadalamhati, may pakiusap

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nagdadalamhati ang mga pamilya at kaibigan ng mga pumanaw na sundalo sa pagbagsak ng C-130 plane sa Jolo, Sulu noong Linggo.

Sa isang iglap ay naglaho ang pangarap ng mga sundalo, na labis na ikinalulungkot ng kanilang mga pamilya.

May pakiusap din ang ilan sa kanila na kung maaari ay bilisan naman ang pagpoproseso sa mga bangkay ng kanilang mga kaanak.

HULING TAWAG

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bago pa man umalis ang C-130 Hercules plane sa paliparan sa Cagayan de Oro, nakapag-video call pa si Army Private Archie Barba sa kaniyang pamilya sa Panabo City, Davao del Norte.

ADVERTISEMENT

Mula kasi noong mawalay sa kanyang pamilya para sumabak sa 7 buwang training sa Philippine Army, madalas tumatawag si Barba sa kaniyang pamilya.

Pero bigo ang pamilya na makatanggap muli ng tawag mula kay Barba noong Linggo. Ang kanilang natanggap, isang nakapanlulumong balita.

"Sobrang sakit na bigla siyang nawala," sabi ng ina niyang si Marilyn Barba.

Kabilang din sa mga pumanaw si 1st Lt. Karl Hintay na taga-Panabo City rin.

Nagtapos siya ng kursong BS Biology sa UP Mindanao, bago pumasok sa Philippine Military Academy.

Para sa kanyang mga kakilala, si Hintay ay mabait, mapagbigay, down to earth, at supportive na kaibigan.

"Every birthday niya, naghahanda siya ng pangbigay niya sa mga needy, gaya ng bigas, sa mga random lang na tao na nakikita niya sa daan," sabi ni Adrian de Vera, kababata ni Hintay.

BILISAN ANG PROSESO

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hinihingi ngayon ng ilang pamilya ng mga sundalo na bilisan ang pagpoproseso ng mga bangkay ng mga ito.

Nababagot na sa kahihintay ng impormasyon ang pamilya ni Private 1st Class Alzid Hawrani, isa sa mga pasahero ng C-130.

Sa relihiyong Islam kasi, bahagi ng kanilang tradisyon na ilibing agad ang namatay sa loob ng isang araw.

Ayon sa ama ng sundalo, 3 araw pagkatapos ng trahedya, hindi pa rin nila matiyak kung ano na ang nangyari sa kanya.

Tanggap naman nila kung kabilang ito sa mga namatay pero hinihingi lamang nila sa awtoridad na bilisan ang pagpoproseso ng mga bangkay.

Sa Polanco, Zamboanga del Norte naman, nag-aalala ang pamilya ni Private Roejader Colata dahil hindi pa rin nila ito nakakausap hanggang ngayon.

Pero hindi gaya ng pamilya ni Hawrani, nalaman na ng pamilya na nakaligtas ito sa pagbagsak ng C-130.

Umaasa ngayon ang magulang ni Colata na payagan silang mabisita ang kanilang anak sa ospital kung saan man ito dinala.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, natuklasang positibo sa COVID-19 ang isa sa mga sundalong namatay sa pagbagsak ng C-130.

Nung una'y isa pa lamang sa mga sugatan na dinala sa pagamutan sa Zamboanga City si Cristopher Rollon pero kalaunan ay pumanaw din.

Sa pakiusap ng pamilya, pinayagan na silang iuwi ang bangkay ni Rollon sa Pitogo, Zamboanga del Sur.

—Ulat nina Hernel Tocmo, Leizel Lacaste-Santos, at Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.