500 Filipino seafarers binakunahan sa Taguig City | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

500 Filipino seafarers binakunahan sa Taguig City

500 Filipino seafarers binakunahan sa Taguig City

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nasa 500 seafarers ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Bonifacio Global City High Street Mega Vaccination Hub sa Taguig City.

Pinangunahan ang pagbabakuna ng Taguig City local government at sinaksihan din nina National Task Force Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon at Presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Seafarers Union - Associated Labor Union na si Allan Tanjusay, malaking tulong ito sa mga Filipino seafarer na pasampa na sa mga barko sa mga susunod na buwan.

Ipinagpasalamat din ni Tanjusay ang pagsama sa mga OFW sa priority list at pagbibigay ng Pfizer vaccine sa mga seafarer na requirement umano ng maraming shipping companies.

ADVERTISEMENT

Dahil sa pagbibigay prayoridad sa mga Filipino seafarer, naniniwala si Tanjusay na mangunguna muli ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming naipapadalang seafarer sa ibang bansa.

"Dahil sa pagbabakunang ito, babalik na ang competitiveness ng Filipino seafarers sa shipping industry sa buong mundo, ang mga Filipino seafarers po, sila po amg backbone ng shipping industry sa buong mundo," aniya.

Magpapatuloy ang pagbabakuna sa mega vaccination hub ng Taguig City hanggang hatinggabi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.