PatrolPH

4 sugatan sa sunog sa Las Piñas

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 11:48 AM

4 sugatan sa sunog sa Las Piñas 1
Apat ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa Greymarville Subdivision, Las Piñas City noong gabi ng Hulyo 5, 2021. Retrato mula sa Zapote BDRRMO

MAYNILA — Apat ang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang subdivision sa Las Piñas City noong gabi ng Lunes.

Kabilang sa mga nasugatan si Carlos Lanzona, may-ari ng isa sa 2 nasunog na bahay sa Greymarville Subdivision sa Barangay Talon Dos, at 3 iba pang residente na tumulong sa pag-apula sa apoy.

Halos 30 truck ng bombero ang rumesponde sa sunog, na nagsimula bandang alas-8 ng gabi at naapula makalipas ang isang oras.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng natupok.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.