Lalaking nagnakaw umano ng 2 luncheon meat arestado sa Maynila
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagnakaw umano ng 2 luncheon meat arestado sa Maynila
Michael Joe Delizo,
ABS-CBN News
Published Jul 06, 2020 11:45 AM PHT
|
Updated Jul 06, 2020 08:14 PM PHT

MAYNILA ā Ikinulong ang 53 anyos na lalaki dahil sa pagnanakaw umano ng canned goods sa isang grocery store sa Paco, Maynila.

Sa report mula sa Manila Police District, dinala ng security supervisor ng Super 8 Retail Systems, Inc. sa police community precinct (PCP) sa Paco ang suspek, na isang pedicab driver at residente sa Barrio Tejeros, Makati City.

53-anyos na pedicab driver, arestado sa pagnanakaw umano ng dalawang lata ng luncheon meat sa grocery store sa Paco, Maynila. (š·: MPD) pic.twitter.com/exkn2i8Gxn
ā Michael Joe Delizo (@michael_delizo) July 5, 2020

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-11:30 ng gabi noong Biyernes nang mahuli ng guwardiya ang suspek sa pagtangay umano ng dalawang lata ng luncheon meat na nasa P381 ang halaga.

Ayon naman sa Paco PCP, nakalabas na ng grocery store ang lalaki nang masita sa hindi binayarang produkto.
Ayon naman sa Paco PCP, nakalabas na ng grocery store ang lalaki nang masita sa hindi binayarang produkto.
ADVERTISEMENT
Hinold muna ng pamunuan ng Super 8 ang lalaki para bigyan ng pagkakataon na makapagbayad, pero hindi umano dumating ang kanyang asawa para bayaran ang luncheon meat.

Isinailalim sa medical check-up ang lalaki bago itinurn over sa Ermita Police Station.

Umusad na rin ang inquest proceedings sa lalaki para sa kasong shoplifting at nakatakda siyang iharap sa Manila City Prosecutor's Office ngayong linggo.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
metro
metro crime
Maynila
Manila Police District
shoplifting
luncheon meat
canned goods
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT