Highway na mag-uugnay sa Buendia, NLEX layong tapusin ngayong taon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Highway na mag-uugnay sa Buendia, NLEX layong tapusin ngayong taon

Highway na mag-uugnay sa Buendia, NLEX layong tapusin ngayong taon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Target mabuksan ang Skyway Stage 3, na mag-uugnay sa North Luzon Expressway at Buendia, bago matapos ang taon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Naresolba na raw kasi ang mga balakid sa proyekto gaya ng right of way at pagsasaayos ng mga poste at kable ng mga utilities sa kalsada, paliwanag ni DPWH Sec. Mark Villar.

Limang porsiyento na lang ang kailangang gawin para magamit na ang highway, ayon sa kalihim.

Ayon kay Villar, tinataya nilang aabot ng 15 hanggang 20 minuto mula sa nakasanayang 2 oras ang tagal ng pagbaybay mula Makati hanggang Balintawak.

ADVERTISEMENT

"Ang travel time, from Makati to Balintawak, kung dati po siguro puwedeng umabot ng 2 oras. Kung matapos po itong highway, it's 18 kilometers long so baka 15 to 20 minutes na lang ang biyahe," ani Villar.

Magkakaroon ng walong exit ramps ang Skyway: sa Buendia, Quirino Ave. Plaza Dilao, Nagtahan, E. Rodriguez, Quezon Avenue, Sgt. Rivera St., at NLEX.

Inaasahan din na 100,000 sasakyan ang mababawas sa EDSA kapag gumana na ang naturang Skyway.

Bagaman aminadong luluwag ang trapiko sa pagiging operational ng Skyway Stage 3, pinangangambahan ni Renato Reyes, secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang danyos nito sa gastusin ng mga motorista sa mga toll fee.

"Ang bottomline talaga sa end users ang bayad. So ang motorista siya pa rin ng papasan ng gastusin. So kung gusto mo ng ginhawa, kailangang maglabas ka ng pera," ani Reyes.

ADVERTISEMENT

Kung kakaunti umano ang makikinabang, dapat magpursigi pa rin ng gobyerno sa pag-aayos ng mass transportation at nang ma-decongest ang populasyon ng Metro Manila, ayon pa kay Reyes.

Nakatakdang magbukas ngayong Hulyo ang Plaza Dilao Exit.

Sa ngayon ay magtatakda pa lang ng pagdinig ang Toll Regulatory Board kung magkano ang magiging singil dito.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.