'Salisi gang', umatake sa 2 kainan sa Baguio | ABS-CBN
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Salisi gang', umatake sa 2 kainan sa Baguio

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2018 04:33 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
BAGUIO CITY - Nabiktima ng mga miyembro ng "salisi gang" ang 2 katao sa magkahiwalay na kainan sa Baguio City nitong Linggo.

Tinangay ng mga kawatan ang bag ng isang kustomer sa kainan sa Camp 7.

Nakuhanan pa sa CCTV ang pagtakbo nila sa isang van na ginamit para tumakas sa lugar.

Sa Session Road, sinikwat din ng mga kawatan ang bag ng isang ginang habang kumakain kasama ang pamilya.

ADVERTISEMENT
Itinago pa ng kasabwat nitong babae gamit ang itim na balabal habang papalabas sa kainan.

Kuwento ng biktima, matagal bago nila napansing wala na ang kaniyang bag.

"Nag-CR ako tapos pagbalik ko, kasi iinom na ako ng mga gamot ko, wala na 'yung bag ko. Akala ko niloloko nila ako, 'yun pala wala na 'yung bag," aniya.

Hinala ng mga pulis, hindi taga-Baguio ang mga kawatan.

"Pinapanawagan po natin sa mga nakakakilala na pumunta po sa pinakamalapit na pulisya at ireport po ito," ani Senior Insp. Julius Basinga, hepe ng Baguio City Police Office Station 3. - ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News