Pagkapkap ng mga pulis sa hubad na babae, 'demo, may pahintulot' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkapkap ng mga pulis sa hubad na babae, 'demo, may pahintulot'

Pagkapkap ng mga pulis sa hubad na babae, 'demo, may pahintulot'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2019 12:00 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dumepensa nitong Huwebes ang isa sa apat na pulis-Makati na nakuhanan ng video na nagpahubad at nagpatuwad sa isang babae na umano'y drug suspect.

Sa mga video na ibinigay sa ABS-CBN News ng isang dating anti-drug operative, mapapanood ang hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at tatlo pang tauhan na nagtatawanan habang may nakahubad at nakatuwad na babae sa tanggapan ng Makati police noong Marso 2017.

Pero ayon kay Senior Inspector Valmark Funelas, dating hepe ng SDEU na nasa video, "demo" o paghahalimbawa ng body search o pagkapkap ang nasa video.

"Wala po akong intensiyong masama doon sa ginawa namin kasi ang intensiyon lang namin doon is matuto 'yong bago naming assigned na babae doon sa SDEU during that time," ani Funelas.

ADVERTISEMENT

Pinasibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Guillermo Eleazar si Funelas at iba pang nasa video na sina Police Officer 1 (PO1) Stephanie Limhap, PO1 Heizelle Maramag, at PO1 Francis Intia habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Humarap din nitong Huwebes ang babae sa video na si alyas "Andrea" at sinabing pumayag siyang bayaran ng mga pulis para maging subject sa demo.

Itinanggi ni Andrea na isa siyang drug suspect.

"Alam po naming walang video na mangyayari kasi 'yon po 'yong napag-usapan pero alam ko po ['yong gagawing pagkapkap]," ani Andrea.

Desidido raw si Andrea na magsampa ng reklamo laban sa kumuha ng video.

ADVERTISEMENT

May ibinigay din sa ABS-CBN News na retrato ng isa umanong lalaking pinahubad at pinatuwad din ng mga pulis pero ayon sa Southern Police District (SPD) ay si Andrea rin ang nasa retrato.

Unang sinabi ng dating operatibang nagbigay ng video at retrato na ang mga pinaghubad at pinatuwad ay mga nahuling drug suspect ng SDEU.

Ayon naman kay SPD director Chief Superintendent Tomas Apolinario, nagkamali ang kanilang mga tauhan.

May ibang paraan pa raw sa pagsasagawa ng demo nang walang nilalabag na karapatang pantao.

"May mga alternative procedures like puwede kang gumamit ng dummy, mannequin," ani Apolinario.

ADVERTISEMENT

Aalamin pa ng NCRPO kung may iba pang pulis na sangkot sa insidente, ayon kay Eleazar.

"Whether ito ay may usapan sila, binayaran o hindi, pero ito ay pagyurak sa dangal ng mga kababaihan at nakita nating napakalaswa ng sitwasyon," ani Eleazar.

Ikinadismaya naman ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang pangyayari, lalo at nangyari ito noong siya ang nakaupong hepe ng Metro Manila police.

"That should not have happened," ani Albayalde. "Kung babae, dapat babae din ang nag-i-inspect."

Bumuo ang Commission on Human Rights ng grupo para imbestigahan ang insidenteng kanilang ikinaalarma.

ADVERTISEMENT

Mariin namang kinondena ng grupong Gabriela ang itinuturing nilang hindi pagrespeto ng mga pulis sa mga babae, nakakulong man o hindi.

Nanawagan ang Gabriela sa Kongreso na imbestigahan ang insidente.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.