Presyo ng karneng baboy, tumaas; mas murang frozen karne, ibinebenta | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng karneng baboy, tumaas; mas murang frozen karne, ibinebenta

Presyo ng karneng baboy, tumaas; mas murang frozen karne, ibinebenta

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 06, 2017 04:10 AM PHT

Clipboard

Ramdam ng ilang karinderiya sa Quezon City ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy. Mula kasi sa dating P175-180 para sa laman ng baboy, aabot na sa P195 ang presyo nito. Mas mahal ang liempo na pumapalo pa nang hanggang higit P200 mula sa dating P195/kilo.

Kaya naman ang ilang karinderya, kaniya-kaniyang diskarte na lang kung paano makakabawi sa kita kasunod ng mataas presyo. Merong nililiitan na lang ang hiwa ng mga karne, merong dinadagdagan na lang ng sarsa at meron ding nagtataas na ng P5 sa presyo ng mga ulam na may karneng baboy.

Ayon sa samahang industriya at agrikultura, isa sa dahilan ng pagsipa ng presyo ng baboy ay ang kawalan ng mga nagba-backyard industry o iyong mga nagpapatakbo ng maliliit na babuyan.

Pero kung hindi talagang maiiwasan ang pagbili ng baboy, makakamura kung frozen meat ang bibilhin. Nasa P150 pesos/kilo lang kasi ang frozen na baboy. Ayon sa mga nagtitinda ng frozen na karne, ligtas kainin ang kanilang mga paninda. Karaniwan din kasing nauubos sa loob ng isang araw ang frozen karne.

ADVERTISEMENT

Pero kung may matitira man, binabalik nila iyon sa freezer para hindi masira. Kung duda sa kalidad ng frozen na karne, puwedeng hanapan ang tindero ng certification mula National Meat Inspection Service. Kailangan kasing bago ang NMIS certificate sa bawat araw na may bagong batch na frozen meet na ibebenta.

Samantala, nasa P150 pesos ang kada kilo ng manok ngayon sa pamilihan, P160 kung choice cuts. Wala namang paggalaw sa presyo ng karne ng baka na nasa P330/kilo ang prime cuts habang ang ribs, bulalo. at neckbone ay mabibili sa P230 pesos/kilo.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.