Higit 20 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 20 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa QC

Bianca Dava,
ABS-CBN News
Published Jul 05, 2017 09:32 AM PHT

MAYNILA - Mahigit 20 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang ilang bahay sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City Miyerkoles ng madaling araw.

Pasado hatinggabi nang magsimula ang sunog na kumalat sa magkakadikit na bahay sa Talanay Street kaya agad iniakyat sa ikatlong alarma.

TINGNAN: 12 bahay, natupok sa sunog na sumiklab sa Brgy Batasan Hills, Quezon City @ABSCBNNews pic.twitter.com/qBA7JaZcAL
— Bianca Dava (@biancadava) July 4, 2017

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Carol Monsalod, isang mananahi.

TINGNAN: Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na sumiklab sa Brgy Batasan Hills, QC pasado hatinggabi kanina. @ABSCBNNews pic.twitter.com/i8IprPLr7p
— Bianca Dava (@biancadava) July 4, 2017
TINGNAN: Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na sumiklab sa Brgy Batasan Hills, QC pasado hatinggabi kanina. @ABSCBNNews pic.twitter.com/i8IprPLr7p
— Bianca Dava (@biancadava) July 4, 2017
Sa kabuuan, humigit kumulang P200,000 pisong halaga ng ari-arian ang natupok. Sa covered court ng barangay na muna nagpalipas ng magdamag ang mga pamilyang nasunugan.