VP Sara Duterte, dumalaw sa burol ni dating Congressman Rolando Andaya Jr. | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VP Sara Duterte, dumalaw sa burol ni dating Congressman Rolando Andaya Jr.

Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Jul 04, 2022 11:18 PM PHT

MAYNILA - Inilagay sa half mast ang watawat ng Pilipinas sa Batasang Pambansa Lunes bilang pagpupugay sa namayapang dating Camarines Sur Representative at Budget Secretary Rolando Andaya Jr.

Bukod sa pagiging kinatawan ng Camarines Sur, naging House Majority Leader din si Andaya noong 17th Congress.

Nakaburol ang labi ni Andaya sa Heritage Memorial Park sa Taguig City kung saan nakiramay ang mga malalapit na kaibigan at mga nakasama sa pulitika.

Dumating din at nagpahatid ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte.

ADVERTISEMENT
Dumalo rin ang ikalawang pangulo sa misa.

Una na ring nakiramay ang ilang local chief executives mula Camarines Sur habang bumisita rin noong Sabado si dating Vice President Leni Robredo at Environment Secretary Juan Miguel Cuna.

Pinangunahan naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang pagbibigay ng tribute sa namayapang dating kongresista noong araw ng linggo.

Ayon sa pamilya, isasagawa ang funeral mass ng Martes ala una ng hapon bago ilagak ang abo ni Andaya sa St. Therese Columbarium sa Pasay City kung saan nakalagak din ang abo ng asawa nito na si dating Camarines Sur Representative Marissa Andaya na pumanaw noong 2020 dahil sa sakit na cancer.

Huwebes nang matagpuan si Andaya na wala nang buhay sa bahay nito sa Naga City.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT