'Virtual marriage, isinusulong sa Kamara | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Virtual marriage, isinusulong sa Kamara

'Virtual marriage, isinusulong sa Kamara

Vivienne Gulla,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sa gitna ng mga nauudlot na kasalan dahil sa COVID-19 pandemic, isinusulong sa Kamara ang panukalang amyendahan ang Family Code para payagan ang “virtual marriage.”

Sa ilalim ng panukalang batas, puwedeng virtual o online ang presensiya ng solemnizing officer o magkakasal at ng mga witness pero dapat ay magkasama ang bride at groom.

Kung ang kasal ay isinagawa virtually, kailangan ipa-notaryo ang marriage certificate bago ito irehistro sa local civil registrar.

“It shall be necessary, however, for the contracting parties to appear personally or virtually before the solemnizing officer and declare in the presence of not less than 2 witnesses of legal age that they take each other as husband and wife,” nakasaad sa House Bill 7042.

ADVERTISEMENT

“When the marriage was performed virtually, the certificate of marriage must be notarized prior to its registration with the local civil registrar to ensure its authenticity and due execution, and to properly ascertain the identity of the contracting parties,” dagdag ng panukalang batas.

Kung nasa abroad naman ang Pilipinong ikakasal online, ang konsulado ng Pilipinas ang magi-issue ng marriage license.

“During the COVID pandemic, maraming weddings na na-cancel, so hindi natuloy… Mataas ‘yung health risk, particularly sa mga a-attend, specifically sa solemnizing officer, who are usually senior citizens… Bigyan natin ng more options ‘yung mga tao, particularly ‘yung mga gustong magpakasal,” ayon kay Rep. Ron Salo na may akda ng panukalang batas.

Kung ganito ang layon ng Kongreso, ayon sa isang family law practitioner, dapat online na rin ang iba pang prosesong kaakibat ng pagpapakasal tulad ng pagkuha ng marriage license at pagdalo sa seminar.

“While virtual nga ‘yung pag-conduct ng marriage, ‘yung pagkuha mo naman ng marriage license requires a number of things that require physical presence… the entire process dapat streamlined din, enabling the process to get that online,” ani Atty. Karlo Nicolas na isang family law practitioner

Pero ayon kay Nicolas, dapat bigyan din ang pamahalaan ng pagkakataong i-regulate ang pagkasal online, para maiwasang magamit ito sa panloloko.

May puna rin sa panukalang batas ang ilang lider ng Simbahang Katolika.

“Gusto natin makita na ‘yung consent na ibinibigay ng couple sa isa’t isa, ito ay freely given, walang force, walang pressure, walang threat… Kung halimbawang magiging virtual ang wedding, hindi ka na makakasigurado diyan dahil hindi maka-capture ng camera ang lahat,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng public affairs committee ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).

“Nadi-diminish 'yung kahalagahan ng kasal. It is something that is important, you do only once a lifetime, bakit i-o-online? Ilang buwan lang naman ito, 3 buwan, 4 na buwan. Puwede na nga silang magpunta sa restaurant, bakit hindi sila puwedeng magpakasal?” dagdag ni Bishop Broderick Pabillo.

Ayon pa kay Pabillo, maisabatas man ang panukalang online wedding, malabo itong ipatupad sa kasal sa simbahan.

“Kung payagan man nila ‘yan sa gobyerno, hindi ganyan ang kasal ng simbahan,” aniya.

“Ang kasal po sa simbahan ay hindi lang kontrata. Iyan po ay isang sakramento. Nagbibigay ng grasya. Kaya iba ang sinusundan namin diyan. Para sa amin sa simbahan, ang sakramento ay napakahalaga at ang marriage ay isang very personal na kasunduan, na iyan ay dapat nandoon sila, hindi lang virtual, talagang actual na nandoon,” paliwanag ni Pabillo.

Payo niya, puwede namang magdaos muna ng intimate na kasal sa simbahan habang may pandemya o mag-antay hanggang matapos ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.