Grade 7 student binaril sa loob ng eskuwelahan sa Laguna | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grade 7 student binaril sa loob ng eskuwelahan sa Laguna

Grade 7 student binaril sa loob ng eskuwelahan sa Laguna

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 04, 2019 08:15 PM PHT

Clipboard

Bigla na lamang binaril nang dalawang beses ang biktima ng lalaking nasa edad 30-35 anyos, ayon sa pulisya. Photo Courtesy: Calamba City Police Station.

MAYNILA (UPDATE) - Pumanaw na ang Grade 7 na estudyante sa Calamba, Laguna na binaril sa loob ng kaniyang eskuwelahan nitong Huwebes, ayon sa pulisya.

Ayon kay Col. Eleazar Matta, provincial director ng Laguna Police, nasa loob ng classroom ang biktima nang pumasok ang gunman at binaril ito.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nadala pa sa HealthServ hospital ang biktima, kung saan idineklara itong brain-dead ng doktor na si Richmonde Gole. Bandang alas-4 ng hapon binawian ng buhay ang biktima.

Kinse anyos ang biktima, at naninirahan sa Pansol, Calamba City.

ADVERTISEMENT

Alam na ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek, na tinutugis na ngayon.

Ayon sa bantay sa umaga ng paaralan na si Arman Dacuycuy, sumabay ang suspek sa mga construction worker na pumasok sa maliit na gate.

Nangyari umano ang pamamaril alas-12:30, nang bigla na lamang binaril nang dalawang beses ang biktima ng lalaking nasa edad 30-35 anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, natanggap nila ang ulat tungkol sa pamamaril ala-1:50 ng hapon.

Kilala umano ng bata ang suspek.

Ayon kay Maj. Mark Julius Rebanal, hepe ng Calamba police Women and Children Protection Desk, selos ang isa sa mga motibong tinitingnan sa krimen.

"One of the motives that we are looking into is jealousy. There is a reported relationship. There is security in the school, however, the suspect is also the one who fetched the victim that's why the guard presumed that the suspect will not harm the victim," ani Rebanal sa isang panayam.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.