Bata patay nang tangayin ng lumaking tubig sa batis | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata patay nang tangayin ng lumaking tubig sa batis

Bata patay nang tangayin ng lumaking tubig sa batis

Joey Taguba Yecyec,

ABS-CBN News

Clipboard

Lumaki umano ang tubig sa batis nang tumatawid ang bata pauwi sa kanilang bahay. Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News


LIBONA, Bukidnon – Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng 8-taong gulang na batang lalaki na namatay nang matangay ng lumaking tubig sa batis dito sa bayan Miyerkoles.

Kuwento ni Maria Flor Susuban, pauwi na mula sa paaralan ang Grade 3 na anak na si James Carl kasama ang nakababatang kapatid at pinsan noong Miyerkoles ng hapon.

Tatawid sana si James Carl sa batis sa Sitio Danao, Barangay Palabucan nang bigla umano lumaki ang tubig at natangay siya nito.

Tatlong oras pa bago natagpuan ang bangkay ni James Carl.

Isinisi naman ni Susuban sa mga guro ang nangyari sa anak.

ADVERTISEMENT

Giit niya, kung maaga lang sana pinauwi ang noo’y hinintay nilang pinsan na nag-remedial class, hindi sana nangyari ang aksidente.

"Sumasabay naman siya sa iba pang mga bata kapag uwian na pero dahil tatlo lang sila noon, kaya siguro naengganyo siya na tatawid sa batis," sabi ni Susuban.

Sang-ayon naman dito ang iba pang mga magulang. Mahalaga umanong pauwiin kaagad ang mga bata kahit nagbabadya pa lang ang malakas na ulan lalo't karamihan sa kanila ay naglalakad pa ng higit 2 kilometro pauwi.

Pero depensa ng principal ng Palabucan Elementary School na si Rafael Datario, kailangan nilang sumunod sa pamantayan ng Department of Education tungkol sa school hours.

"Kailangan kasi na susunduin ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na kapag masama ang panahon," ani Datario.

Sa kabila nito, planong ipatawag ng paaralan ang mga magulang upang pag-usapan ang pagsundo at maiwasan ang parehong pangyayari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.