Nalambat na umano’y buto ng tao, sinusuri | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nalambat na umano’y buto ng tao, sinusuri

Nalambat na umano’y buto ng tao, sinusuri

Hazel Salas,

ABS-CBN News

Clipboard

CULION, Palawan - Isinuko ng ilang mangingisda ang piraso ng hinihinala nilang buto ng tao matapos itong sumabit sa kanilang lambat Linggo ng umaga.

Ayon sa salaysay ng mga mangingisda, inakala nilang sumabit na korales lamang ang natirang matigas na bagay na kanilang nalambat.

Ngunit nang siyasatin ng malapitan, laking gulat umano nila ng kawangis umano ito ng buto ng tao.

"Obserbasyon nung mga duktor na kakilala natin, parang sinasabi nilang 80-90% ay buto iyon ng tao,” ayon kay Police Superintendent Starky Timbancaya.

Hinala ng awtoridad na bahagi ang buto ng di umano’y chinop-chop na Japanese national noong Mayo 30 sa isla sa Galoc.

Mas lalo pang tumindi ang kanilang hinala nang matagpuan umano ito tatlo hanggang limang milya mula sa crime scene.

Ipapadala umano ito sa crime lab upang masuri at isasailalim sa DNA test.

ADVERTISEMENT

"Tayo po ay tuloy-tuloy lang na nagka-conduct at nagpa-follow-up ng imbestigasyon doon sa pwede pang makatulong sa resulta po ng pag-i-imbestiga... para yung mga itinuturong maaaring suspek ay mapanagot doon sa ginawa nilang kasalanan,” ayon kay Timbancaya.

Mayo 30 nang bayaran umano ang ilang bangkero para dalhin ang mga biktimang sina Itani Masaru, 59, at Yoshihiro Arai, 24, sa isla Galoc sa Culion.

Dito umano binaril ang mga biktima ng mga suspek na sina Sonny "Tatan" Anicete, Jovis Viscarra, alyas Jun, at alyas Baldo. Itinuturo namang mastermind sa krimen ang Japanese national na si Hiroyuki Nagahama, 65-anyos. Dawit din ang interpreter nito na si Reynante Labampa, 47.

Nakakulong na ang mga ito sa provincial jail.

Isa umano sa posibleng motibo sa krimen ay ang kagustuhan ng mga suspek na makuha ang insurance money ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.