Istasyon ng radyo sa GenSan, pinaulanan ng bala

Francis Canlas, ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 10:33 PM

GENERAL SANTOS CITY - Pinaulanan ng bala ang istasyon ng Bombo Radyo sa General Santos City nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa mga guwardiyang nakabantay sa gusali, isang pulang pick-up truck mula umano sa direksiyon ng Gensanville Subdivision ang dumaan sa harapan ng istasyon at ilang beses nagpaputok ng baril ang drayber nito habang nagmamaneho.

Listas naman ang mga empleyado ng istasyon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.