Gloves na kayang mag-convert ng PH sign language sa boses, binuo ng ilang estudyante | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gloves na kayang mag-convert ng PH sign language sa boses, binuo ng ilang estudyante

Gloves na kayang mag-convert ng PH sign language sa boses, binuo ng ilang estudyante

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 02, 2021 11:12 PM PHT

Clipboard

Bumuo ang isang grupo ng mga estudyante sa Camarines Sur ng guwantes na kayang mag-convert sa boses ng ilang Filipino sign language. Courtesy: Francis Anthony de Guzman

NABUA, Camarines Sur—Hinangaan ng libo-libong netizens ang prototype ng undergraduate thesis project ng 5 electrical engineering student ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) dahil sa kakayahan nitong makapag-convert sa boses ng Filipino sign language.

Laking gulat nina Francis Anthony De Guzman, Rency De la Cruz, Klenn Arvin Alcibor, Joana Jimenez at Maria Andrea Moran na marami ang matutuwa sa tinawag nilang "trainable gloves" na ordinaryong guwantes na gamit ng mga nagmomotorsiklo.

"Second option lang po ‘to, (yung una) hindi po 'yun natuloy because of pandemic na hindi po kami makakapunta sa site, eto po kasi pwede kami sa kanya-kanyang bahay," ayon kina Jimenez at Moran na magkatuwang sa pag-research ng related literature at studies ng kanilang thesis.

Nilagyan ng 10 sensors ang suotan ng mga daliri ng gloves at napagana gamit lamang ang isang 9-volt battery.

ADVERTISEMENT

"Challenge talaga siyang buuin kasi medyo madami rin po kasi 'yan, iisipin mo kung dapat mag-compatible 'yung parts, 'yung position ng bawat sensor kasi 'pag nagagalaw po siya nagbabago 'yung reading, dapat maging ano siya precise din,” ani De la Cruz na designer ng prototype.

Bukod sa mahinang internet connection para sa pagsasaliksik, hamon din sa grupo ang pagbili ng chips sa electronic shops kaya sumubok sa online stores.

"[Na-order] po naman siya advance naman po para maano, magsakto sa paggawa ng thesis namin… 'Yung iba po sir mahinang materyales," ani Alcibor na katuwang ni De la Cruz.

Sa video na ini-upload ng team leader ng grupo na si De Guzman ilang oras pagkatapos ng final defense nila noong Hunyo 28, ipinakita niya kung paano gumagana ang trainable gloves.

Binigkas nito ang mga katagang: Hello we are electrical engineering students of CSPC and we created these gloves that interpret Filipino sign language into speech.

Nasa higit 87,000 likes at 36,000 shares na ang video ng "trainable gloves" na nasa phase 1 pa lang ang paggawa.

"Nakapag-start po kami ng something na would be valuable to many people especially sa deaf community someday," ani De Guzman na programmer ng operating system ng trainable gloves.

Tiniyak ni Dr. Charito Cadag, president ng CSPC, na handa silang suportahan ang mga mag-aaral na nais na ipagpatuloy ang proyekto sa ilalim ng bagong pangalan ng paaralan na Polytechnic State University of Bicol.

"Despite the hard times brought about by the pandemic, the incredible story of our bachelor of science in electrical engineering 5th year students is one testament of how our college remains steadfast to our commitment of bringing out the best in the Bicolano youth," ani Cadag.

Ga-graduate na sa Agosto ang grupo, hindi lang nila iniaalay sa deaf-mute community ang proyekto, kundi pati sa pumanaw na ka-grupo na si Rei Mark Tandaan.

— Ulat ni Jonathan Magistrado

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.