Konstruksiyon ng North-South PNR railway sisimulan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Konstruksiyon ng North-South PNR railway sisimulan na

Konstruksiyon ng North-South PNR railway sisimulan na

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Sinamantala ng ilang pasahero ngayong Sabado ang huling umagang biyahe ng PNR mula Calamba, Laguna papuntang Alabang, Muntinlupa, bago ang pansamantalang tigil-operasyon ng ruta simula sa Linggo, Hulyo 2.

Uumpisahan na kasi ng gobyerno ang konstruksiyon ng P873 bilyon na North-South Commuter Railway, na tatakbo mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

Inaasahang magiging fully operational ito matapos ang 5 taon o sa 2028.

Pero sa 2026 o matapos ang 3 taon, inaasahan namang matatapos ang initial phase ng proyekto, o ang 8 istasyon mula Malolos, Bulacan hanggang Valenzuela City.

ADVERTISEMENT

Ang buong proyekto ay may habang 147 kilometro at may 35 stations.

Pagdudugtungin nito ang mga probinsiya ng Pampanga, Bulacan, at Laguna sa Metro Manila.

Magkakaroon ito ng daily passenger capacity na 800,000 na may 50 train sets.

— may ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Ilang pasahero ang sinamantala na ang huling umagang biyahe ng PNR mula Calamba, Laguna papuntang Alabang, Muntinlupa, bago ang pansamantalang tigil operasyon ng ruta simula bukas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.