MAYNILA — Naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) ang isang nurse, isang medical technologist, at isang Chinese na nagbebenta umano ng Sinovac vaccines.
Nagsimula ang imbestigasyon nang makatanggap ng impormasyon ang NBI sa bentahan ng grupo ng Sinovac vaccines.
Ang poseur buyer ng NBI ay bumili sa grupo ng 300 doses ng CoronaVac sa halagang P840,000.
Ayon sa NBI, kadalasang buyer ng mga ito ay Chinese.
Inaalam pa ng NBI kung saan nanggaling ang supply ng mga bakuna.
Giit naman ng babaeng nahuli, naging middleman lang siya at nakita lang umano niya sa Facebook ang kalakaran.
Kakasuhan ang 3 sa paglabag sa FDA law.
—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, bakuna, Sinovac, CoronaVac, entrapment, NBI, National Bureau of Investigation, National Bureau of Investigation Task Force Against Illegal Drugs, modus, scam, Sinovac for sale, TV PATROL