Unang COVID-19 patient sa Sagay, Negros Occidental, nagpositibo ulit sa virus | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Unang COVID-19 patient sa Sagay, Negros Occidental, nagpositibo ulit sa virus

Mitch Lipa,
ABS-CBN News
Published Jul 01, 2020 11:39 PM PHT
Matapos makarekober at makauwi ang unang naitalang COVID-19 patient ng Sagay City, Negros Occidental, ipinabalik siya ulit sa quarantine center ng lungsod nitong Martes matapos itong magpositibo ulit sa sakit.

Ayon kay Dr. Maebel Diosena, assistant city health officer ng Sagay, Hunyo 4 unang nagpositibo ang 29-anyos na lalaking pasyente, na residente ng Barangay Vito. Dinala siya sa sa health center ng bayan ng EB Magalona.

Kalauna'y nagnegatibo siya sa COVID-19 matapos siya sumailalim sa dalawang swab test. Bago siya i-discharge noong Hunyo 25, sumailalim siya sa pangatlong swab test.

Limang araw matapos siya pauwiin, lumabas sa pangatlong test na positibo ulit siya sa COVID-19, kahit naideklara na siyang recovered patient ng Department of Health-Region 6.

Ayon kay Diosena, wala namang dapat na ikahabahala ang mga mamamayan. Mag-isang nakatira sa kanyang bahay ang pasyente at binibisita siya ng staff ng city health office sa nakaraang limang araw.

Read More:
Regional news
Tagalog news
Sagay
Negros Occidental
coronavirus
COVID-19
recovered patient
patient positive again
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT