Babaeng driver natagpuang patay sa saksak sa sariling kotse sa Laguna | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng driver natagpuang patay sa saksak sa sariling kotse sa Laguna

ABS-CBN News
Published Jul 01, 2020 01:28 AM PHT

Hindi na nakauwi pa ng buhay ang 34 anyos na si Jingle Lucero matapos ang huling arkila sa kaniyang pribadong sasakyan noong Linggo ng gabi.

Suma-sideline na private driver si Lucero sa mga gustong magpahatid sa Maynila mula Laguna.

Ayon sa pulisya, inarkila si Lucero ng hindi pa nakikilalang mga kliyente na patungo sa Maynila nitong Linggo.

Kaya mula sa bahay nila ng kinakasamang girlfriend sa Bay, Laguna, umalis siya para maghatid ng kliyente.

ADVERTISEMENT
Pero pasado alas-10 ng gabi, natagpuang wala nang buhay sa kaniyang sasakyan ang biktima.

Naka-hazard light sa madilim na bahagi ng Bucal bypass road sa Barangay Maunong, Calamba City, Laguna ang sasakyan ni Jang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Nasa sasakyan pa rin daw ng biktima ang mga importanteng gamit nito kabilang na ang bag at cellphone.

“Maliban doon sa pera ng kaniyang pitaka. Wala namang nagalaw sa kanyang gamit," ani Police Lt. Col Gene Licud, hepe ng Calamba police.

Hustisya ang apela ngayon ng kaanak at mga kaibigan ng biktima.

Wala raw silang kilalang kaaway ng biktima kaya blangko sa kung sino ang gumawa ng krimen kay Lucero.

“Andami na niya pong napasukang trabaho. Sobrang sipag na niya na po talaga pati si Mama… Hindi ko po inaasahan na mangyayari sa pamilya ko 'to. Sobrang naaawa po ako sa kanya… Hinding hindi namin hahayaan na mabalewala lang 'tong kaso na 'to," ani Rena Macion, kapatid ng biktima

Tiniyak ng pulisya na patuloy ang imbestigasyon sa krimen. Tinitingnan na rin nila ang mga CCTV na maaaring makapagturo sa mga huling nakasama ng biktima.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin sa pulisya ang ina at girlfriend ng biktima para sa karagdagang impormasyon na maaaring makatulong sa paglutas sa krimen. - Ulat ni April Magpantay, ABS-CBN News.