VP Leni: Kaunting bilang ng minorya di hadlang para ma-impeach si Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VP Leni: Kaunting bilang ng minorya di hadlang para ma-impeach si Duterte

ABS-CBN News
Published Jul 01, 2019 09:05 PM PHT

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi hadlang ang kaunting bilang ng minorya para mapatalsik sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, marami mang kakampi ang pangulo sa Kamara at Senado, dapat pa ring pag-aralan ng mga mambabatas ang usapin sa posibleng impeachment case laban sa pangulo.

Kasunod ito ng pahayag ni maritime law expert Jay Batongbacal na puwedeng ma-impeach ang pangulo sa pagpayag na mangisda ang China sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

"Kahit napakakaunti ng numero, 'yong pinakamahalaga doon, hindi ka napapagod ipaglaban 'yong tama," ani Robredo.
"Kahit napakakaunti ng numero, 'yong pinakamahalaga doon, hindi ka napapagod ipaglaban 'yong tama," ani Robredo.
ADVERTISEMENT
Partikular na tinukoy ng mga kritiko ang Article 12, Sec. 2 ng Konstitusyon na nagsasabing ang yamang-dagat ng Pilipinas, kasama ang EEZ, ay eksklusibo para sa mga Pilipino.

Ayon kay Robredo, hindi lang mga mambabatas ang dapat nagdedesisyon sa impeachment kundi pati ang taumbayan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Christopher "Bong" Go na karapatan ng sino man sa Kongreso ang magsampa ng impeachment.

Pero iginiit ni Go na para sa kapakanan ng bansa ang ginagawa ng pangulo.

Tahasan namang sinabi ni Sen. Imee Marcos na wala siyang nakikitang dahilan para mapatalsik ang pangulo sa pamamagitan ng impeachment complaint.

"Pasabog lang 'yang impeachment na 'yan," ani Marcos.

"Huwag na nating pag-usapan 'yan dahil wala naman tayong nakikitang dahilan," dagdag ni Marcos.

Iginiit din ng Palasyo na iwas-giyera ang prayoridad ng pangulo kaya hindi nito babanggain si Chinese President Xi Jinping, na nagsabing magkakaroon ng gulo kung magmimina ng langis ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

"I don't think we know the realities... it's not as easy as that," ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

"Is that what we want? We will sacrifice the lives of our people?" dagdag ni Panelo.
"Is that what we want? We will sacrifice the lives of our people?" dagdag ni Panelo.
ADVERTISEMENT
Sa unang araw ng 18th Congress, tahimik pa ang mga kongresista sa usapin ng impeachment.

Nauna nang sinabi ni Duterte na ipakukulong niya ang sino mang magsampa ng impeachment complaint laban sa kaniya.

-- Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Rodrigo Duterte
Leni Robredo
Jay Batongbacal
China
West Philippine Sea
exclusive economic zone
impeachment
Imee Marcos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT